INANUNSIYO kahapon ni Roger Federer, ang four-time Olympian at all-time great tennis champion, na hindi niya kakatawanin ang Switzerland sa Tokyo 2020 Olympics dahil sa kanyang knee injury.
Ang 39-year-old ay sumailalim sa dalawang operasyon sa tuhod noong 2020.
“I am greatly disappointed, as it has been an honor and highlight of my career each time I have represented Switzerland,” sabi ni Federer sa isang statement. “I have already begun rehabilitation in the hopes of returning to the tour later this summer.”
Si Federer, isang 20-time grand slam champion, ay sumabak sa bawat Olympics sa pagitan ng 2000 at 2012, kung saan nagwagi siya ng men’s doubles gold sa Beijing noong 2008 at ng men’s singles silver sa London noong 2012. Hindi siya naglaro sa 2016 Olympics dahil sa knee injury.
Kamakailan ay naglaro siya sa Wimbledon kung saan nasibak siya sa torneo sa quarterfinals. Huli siyang nanalo sa grand slam tournament noong January 2018 sa Australian Open.
Si Federer ay nadagdag sa humahabang listahan ng mga player na pinakawalan ang pagkakataon para sa Olympic gold ngayong summer dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Nauna nang nag-anunsiyo ng intensiyon na huwag lumahok sa Olympics si fellow 20-time slam winner Rafael Nadal, kasama sina Serena Williams, Sofia Kenin, Dominic Thiem, Simona Halep, Nick Kyrgios, Bianca Andreescu at Denis Shapovalov.
Aarangkada ang quadrennial meet sa July 23 sa ilalim ng restrictions dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.
436230 42749I enjoy this info presented and possesses given me some type of resolve forpersistance to succeed i really enjoy seeing, so sustain the excellent work. 920770
509409 341048If you have been injured as a result of a defective IVC Filter, you ought to contact an experienced attorney practicing in medical malpractice cases, specifically someone with experience in these lawsuits. 812087