AIAI DELAS ALAS AT BAYANI AGBAYANI FEELING MILLENNIAL

aiai and bayani

BAGO pa man mabigyan ng titulong Comedy Queen si AiAi delas Alas ay kaibigan reflectionnang maituturing ni Bayani Agbayani ang leading lady niya sa first lead team-up nila sa pelikula na pinamagatang “Feelennial.”

“Mag-syota pa lang kami ni Len (his wife for more than two decades), kaibigan ko na si AiAi. Minsan ‘pag baha sa Malabon, sa bahay pa niya kami natutulog. Sila pa ni Miguel Vera, ex-partner ni AiAi,” pag-aalaala ni Bayani.

Kaya espesyal para kay Bayani ang pagsasama nila ni AiAi sa “Feelennial” kahit pa nalaman niyang ‘di pala siya ang first choice bilang katambal ng ko­medyana.

Sa mga hindi nakaka­kilala kay AiAi, inilarawan ni Bayani ang kapareha bilang magaling na artista.

“Para sa akin perfect siya. Ang pagkatao niya, ang puso niya at ang pagi­ging artista niya para sa akin perfect siya. Para sa akin po, ha, sa pagkakakilala ko sa kanya sa napakatagal na panahon. Marami pa pong hindi alam ang mga tao na ginagawa ni AiAi na ginagawa na niya mula pa noon hanggang ngayon.”

Kilalang mahusay magpatawa ang mga bida ng “Feelennial” sa audience. Pero sabi ni Bayani, madali rin daw patawanin si AiAi.

“Madali siyang patawanin kapag nakakatawa ka. Kasi ‘pag hindi ka na nakakatawa. Kahit ako, e. Kapag may nakakatawang komedyante. Tumatawa ako, e. Humahagalpak ako.”

Dahil pareho silang magaling magpatawa ni AiAi, may nagtanong kay Bayani kung hindi ba sila nagsapawan sa “Feelennial.”

”Alam mo, para sa akin kasi ang komedyante kung ilan kayong tumayo sa entablado, ilan kayo magsha-shine. Kung tatlo kayo, dapat tatlo kayo magsha-shine. Hindi ka puwede mag-shine mag-isa. Hindi pupuwede ‘yun para sa akin. Ang tawag doon, love and care. Aalagaan mo ang katabi mo, aalagaan din niya ang katabi niya. Nag-alagaaan kayo,” paliwanag ni Bayani.

Sa kasalukuyang hene­rasyon, inamin ni Bayani na hinahaluan niya ng pang-millennial ang kanyang style sa pagpapatawa.

“Ang network ko kasi bago, saka luma, e. Naghahalo. Actually, kasi, ang fashion naman, cycle. Ang joke, cycle din. Umiikot lang siya. Ia-adapt mo lang ‘yung millennial touch.”

Anyway, sa Hunyo 19 na ang showing ng “Feelennial” sa direksiyon ni  Rechie del Carmen produced by Cignal Entertainment, ang original content division of the Philippine’s #1 PayTV provider, Cignal TV, at ang DSL Productions ni Pops Fernandez.

PBB OTSO PAHABA NANG PAHABA

MEDYO mahaba-haba pa pala ang season ng Pinoy Big Brother Otso edition. pbb otsoNapag-alaman namin na ‘yung Big Four sa apat na batch ng PBB Otso ay mu­ling papasok ng Bahay ni Kuya at paglalaban-labanan ang titulo bilang the ‘Ultimate Big Winner.’

“Yeah, we explained naman na start pa lang ng season na all four batches will merge sa dulo. So, at kung ano ang mechanics doon, ‘yun ‘yung aabangan pa. Definitely, yes, papasok ulit silang lahat sa bahay, magsasama-sama sila,” lahad ng PBB executive na si Marcus.

Pero sa Big Four daw ay mayroon pa ring tatanghalin bilang PBB Big Winner.

“Yes, every batch will have a batch winner. We will announce before they enter kung sino ‘yung batch winners nila and then, sec­ret na ‘yung mangyayari after that,” paglilinaw pa ni Marcus.

Na-determine na raw ‘yung batch winner nu’ng last na botohan ng mga housemate at nakatago raw sa golden vault. But they will reveal the batch winner before pumasok ulit ang Big Four ng bawat batch sa Bahay ni Kuya. At pagpasok nila ng bahay, back to zero lahat ng scores nila.

Comments are closed.