FEMALE ATHLETES BIBIGYANG-PUGAY

Celia Kiram

PLANO ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Celia Kiram na bigyang-pugay ang mga babaeng atleta.

Sa PSC Chatroom podcast noong Sabado, sinabi ni  Kiram na kinokonsidera niya ang pagbibigay ng parangal sa mga babaeng atleta sa hinaharap.

“Mayroon  akong iniisip na magkaroon kami ng mga parangal sa mga kababaihang atleta natin,” ani Kiram.

Aniya, ang  awarding event ay magiging iba sa general awards na ipinagkakaloob ng PSC sa mga atleta.

Sa mga nakalipas na taon ay dumami ang mga kababaihang atleta na nagbigay ng karangalan sa Filipinas, tampok si weightlifter Hidilyn Diaz na nagwagi ng silver medal sa 2016 Olympics sa Rio De Janeiro.

Pagkalipas ng dalawang taon, pinangunahan ni Diaz ang gold medal charge ng bansa sa Jakarta Asian Games.

Sa 2018 Asian Games din nagsimulang makilala sina skateboarder Margielyn Didal at golfers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at  Kaye Go.

Ang lahat ng apat na gold medala ng bansa sa Asian Games ay nagmula sa naturang mga atleta.

Ang Southeast Asian Games noong nakaraang taon na idinaos sa Filipinas ay nadominahan din nina taekwondo jin Pauline Lopez at second generation athlete Jamie Lim ng karatedo.

Patuloy naman ang dominasyon ng Blu Girls sa softball habang nagwagi si  Nesthy Petecio ng gold medal sa isang world boxing event.

Inaasahan ding kikila­lanin si Irish Magno makaraang makasambot ng puwesto sa Tokyo Olympics Games na ipinagpaliban sa 2021 dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19)

Si Magno ang unang Pinay  boxer na nagku­walipika sa Olympics at isa sa apat na atleta na nakakuha na ng tiket sa quadrennial meet. Ang tatlong iba pa ay sina fellow boxer Eumir Marcial, gymnast Carlos Yulo at  pole-vaulter EJ Obiena. PNA

Comments are closed.