PAPALO ang 2022 Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) National Inter-Scholastic Table Tennis Championship sa Hulyo 9-10 sa Robinsons Novaliches Trade Hall sa Quezon City.
Ang mga nangungunang collegiate team ng bansa ay maglalaban para sa mga parangal sa college men’s and women’s team event, gayundin sa boys‘ and girls’ high school competition sa dalawang araw na aksiyon na magsisilbing qualifying para sa komposisyon ng National Team para sa World School Games.
Inorganisa ng Table Tennis Association for National Development (TATAND), ang torneo
ay naging posible sa suporta ng Robinsons Novaliches, Joola Philippines, Green Paddle Equipment Inc., Toto Pol Fish Broker, CHAWI Fishing, Dobinson, Carlson Digital Prints, at TATAND Honorary President Charlie Lim.
Ang National Capital Region (NCR) ay kakatawanin ng Nuestra Señora De Guia Academy, Colegio de San Juan de Letran, Makati- Netto Club, Team PNP, College of Saint Benilde, Adamson University, Polythecnic University of the Philippines, University of Santo Tomas, Unibersidad ng Silangan, Pambansang Unibersidad, at Mapua.
Ang mga koponan na kumakatawan sa Luzon ay kinabibilangan ng St. Paul College of Ilocos Sur, Pozorrubio School Pangasinan, Romblon State University, Tabaco National High School, Albay Bicol, Netto Club, Pagsanjan Ping-Pong, Pagsanjan, Laguna DMMMSU, Laguna State Polytechnic University, Seven Lakes Table Tennis Club at Sampville TTC – Lungsod ng San Pedro
Ang Bacolod City National High School ang nag-iisang kinatawan mula sa Visayas at ang Mindanao ay kakatawanin ng Tangub City National High School.