FIBA 3X3 TOUR SA MANILA, CEBU

MULING matutunghayan ang aksiyon sa World Tour Masters 3×3 sa Pilipinas.

Ipinahayag ng FIBA 3×3 ang pagbibigay ng basbas sa Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 na maging host sa dalawang top-level tournament – ang Chooks-to-Go FIBA 3×3 Manila Masters at ang Chooks-to-Go FIBA 3×3 Cebu Masters.

Ito ang unang pagkakataon na magiging host ang bansa sa Manila Masters mula noong 2015. Nakatakda itong gawin sa Mayo 28-29, habang ang kauna-unahang Cebu Masters ay gaganapin sa Oktubre 1-2, 2022.

Ikinalugod ni Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas ang pagkakataon na ibinigay ng FIBA 3×3.

“Since 2019, the goals of Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 is to expose the Filipino basketball player to world-class competition while bringing quality 3×3 basketball to the fans,” pahayag ni Mascariñas.

“Two years before the 2024 Paris Olympics, we need to garner FIBA 3×3 points to qualify for the tournament or the Olympic Qualifying Tournament. By hosting the top-level tournaments, we get maximum points while also giving our players more experience and mileage in international 3×3,” aniya.

Sisimulan ang 3×3 season sa Utsunomiya sa Mayo 14-15. Bukod sa Manila at Cebu, isasagawa rin ang Masters tournament sa France, Prague, Lausanne, Debrecen, Montreal, Chengdu, Jeddah, Hong Kong, at Macau, bago ang season-tournament sa Disyembre 9-10 sa Abu Dhabi.

Ang Chooks-to-Go Pilipinas 3×3 players ay sasabak sa FIBA 3×3 circuit.

“I think we should be very grateful to Chooks-to-Go for insisting and continuing its effort to help 3×3 in the Philippines,” sabi ni FIBA 3×3 managing director Alex Sanchez.

“We always thought and believed that the Philippines is a great opportunity and market for 3×3.Therefore, we can only be grateful for this continuous effort in these difficult times.” EDWIN ROLLON