INAASAHAN ang umaatikabong bakbakan sa pagitan ng Germany at ng Serbia para sa inaasam na 2023 FIBA Basketball World Cup cham- pionship ngayong Linggo sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ito na ang ikalawang final appearance ng Serbia sa torneo, habang ito ang kauna-unahang World Cup final ng Germany.
Ang magwawagi sa sagupaan ay magiging ikatlong bansa na nanalo ng titulo sa huling limang World Cups, matapos ang dominasyon ng USA at Spain sa huling apat na edisyon.
Wala isa man sa Germany at Serbia ang naging paborito sa pagsisimula ng torneo.
Ang host nation France, Spain, United States, at Canada ang frontrunners para sa gold medal.
Gayunman, ang France ay hindi inaasahang nasibak sa group stage, ang Spain ay pinatalsik ng Canada sa second round, at ang USA at Canada ay kapwa natalo sa semifinals.
Naging susi sa tagumpay ng Germany ang NBA players tulad nina Dennis Schroder, Franz Wagner, Moritz Wagner, at Daniel Theis.
Si Schroder ay hindi lamang nagbigay ng 9 assists sa semifinal victory kontra United States kundi tuloy-tuloy rin ang pagpapakita ng kanyang scoring at playmaking abilities sa buong torneo.
Ang kanyang tanging subpar performance ay sa quarterfinals laban sa Italy.
Sa Serbian side ay si Bogdan Bogdanovic ang naging standout player, kung saan pinangunahan niya ang koponan sa pagkamada ng 23 points sa semifinal win kontra Canada. Ang kanyang back-to-back 20-point performances sa quarterfinals at semifinals ay krusyal sa tagumpay ng Serbia.
Para makuha ang titulo, kailangang mapigilan ng Serbia ang perimeter production nina Schroder at Wagner.
Anuman ang maging resulta, ang Germany ay garantisado na sa kanilang best-ever World Cup finish, habang ang Serbia ay nagtatangka sa kanilang unang gold medal sa kasalukuyan nilang iteration, matapos na maging bahagi ng unang dalawang World Cup victories bilang dating bansa ng Yugoslavia.
Ang Yugoslavia ang tanging koponan bukod sa USA na nagwagi ng limang golds sa kasaysayan ng pinakaprestihiyosong pagtitipon ng basketball players.
Maghaharap ang Team USA at Canada para sa bronze bago ang SerbiaGermany championship showdown.