FIFTY-fifty o nasa gitna ng mabuti at masama ang ibig sabihin sa kondisyon ng taong may karamdaman.
Subalit sa mundo ng kalakalan at paghahanapbuhay, ang Fifty-Fifty o pipti-pipti na pa-jejemon (jeproks) na pananalita ay patok sa mga palengke.
PIPTI/PIPTI: Ito ang pangkaraniwang salitang naririnig natin sa pagtukoy sa taong nasa kritikal na kalagayan. Subalit hindi sa pagkakataon na ito na halagang pipti pesos lang kada kilo ang presyo ng alimasag na jeproks
Ibig sabihin nito ay P50 lang ang presyo kada balot ang isdang Alakaak.
Gaya ng nasa larawan, bagsak-presyo na ang halaga ng mga lamang-dagat na ibinebenta ng lalaking ito na inaasahang mauubos agad bago pa sumikat ang haring araw.
Ang mga larawan ay aktuwal na kuha noong Pebrero 3, 2024 sa Rosario Fishport sa Rosario, Cavite.
SID SAMANIEGO