AS a breeder for every breeding season, yearly dapat may naka-reserve na breeding materials kasi anytime puwedeng mawala ang original proven materials natin kasi may buhay po iyan.
Ayon po kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, sa pagmamanok ay hindi naman puwede ang walang disgrasya kahit pa anong ingat mo sa kanila, kaya ang puwede lang nating gawin ay iwas-disgrasya.
“Sa pagpili ng gagawin sa stock/ broodstag pagkatapos tingnan ang kanilang panlabas na anyo o hitsura na nakikita ng ating mga mata phenotype ay ang importante ay ‘yung first sparring o unang bitaw kasi para sa akin, kung talagang quality at magaling siya ay roon pa lamang ay alam mo na kung siya ay may patutunguhan o kakayahan,” ani Doc Marvin.
“Huwag na huwag kang tatawid sa unang bitaw! Kung nanalo na po tayo sa criteria na ginagawa natin ay huwag na pong babaguhin o papalitan kasi doon ka nanalo,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Doc Marvin, ang mga inahin at pullet na gagamitin sa breeding ay dapat ikondisyon muna at linisin ang kanyang reproductive system o sinapupunan kasi from range area ay sigurado po na kastahan ‘yan ng mga kasamang stag kasi basta at nangingitlog na sigurado nagpapakasta na ‘yan.
“Para linisin ang semilya na pumasok sa kanilang katawan ay 17 days para totally mawala. Ang ideal age para sila ay isalang sa breeding ay 9-10 months old, hindi basta nangingitlog ay salang ka na agad nang salang kasi mawawasak lamang sila na magiging dahilan para hindi maging quality ang anak. Huwag mo kasing madaliin o bilisan ang pagmamanok,” dagdag pa niya.
Samantala, dapat ay nasa 5-6 months na ang edad ng ating stags bago sila i-harvest.
“Importante na maglagay ng pahila sa kanang paa pagkahuli sa range area o pagalain para ‘di siya manibago sa cording o talian para maiwasan ang pamimilay at dapat po ready ang paglalagyan/stag pen facilities muna bago ang manok para scientific ang paglaki kasi habang sinasanay siya na may tali sa paa ay malaya pa rin siyang nakakatakbo at lipad,” ani Doc Marvin.
“Mahirap po kung diretso na agad siya na itatali, kalimitan po ay nagkakanerbiyos siya. Kung ano ang alaga mo sa manok mo ay iyon din lang ang ibibigay niya sa iyo. Huwag na huwag mo siyang bibigyan ng dahilan na ipatalo ka.”
Comments are closed.