FIL-CANADIAN FERNANDEZ SA US OPEN Q’FINALS

NASUNDAN ni Filipina-Canadian teen Leylah Fernandez ang kanyang shock upset kay 2020 champion Naomi Osaka nang sibakin si  German 16th seed Angelique Kerber, isang three-time Grand Slam champion, 4-6, 7-6 (7/5), 6-2, para umabante sa quarterfinals nitong Linggo.

“I just tried to use all my trainings from back home,” ani Fernandez. “They told me take it point by point. I was glad I was able to execute it.”

Makakasagupa ni Fernandez sa susunod na round si Tokyo Olympic bronze medalist Elina Svitolina, ang  fifth seed mula sa Ukraine, at nagwagi kontra two-time major winner Simona Halep, 6-3, 6-3, upang umusad sa kanyang ika-8 Grand Slam quarterfinal.

“That’s going to be a very tough match,” sabi ni Fernandez. “She returns a lot of balls. She’s aggressive. I’m just going to go on court and try to keep doing what I’ve been doing.”

Sa ulat ng Tennistonic.com, si Fernandez ay ipinanganak sa Laval, Quebec. Ang kanyang ama, si Jorge Fernandez, ay isang dating football player habang ang kanyang ina ay si Irene Exevea.

Bilang isang juniors player, nakopo ni Fernandez ang 2019 French Open girls singles crown makaraang gapiin si American Emma Navarro sa finals.

Siya ang unang Canadian na nagwagi ng girls junior Grand Slam crown matapos ni Eugenie Bouchard noong 2012.

Sa edad na 17, si Fernandez ay naging pro at napanalunan ang kanyang unang professional title sa Gatineau Challenger nang pataubin si fellow Canadian Carson Branstine.

Sumabak siya sa kanyang unang Grand Slam competition sa 2020 Australian Open, subalit napatalsik sa opening round ng  main draw. PARALYMPIANS SA PSA FORUM

APAT sa mga Pinoy na kinatawan ang bansa sa katatapos na Tokyo Paralympics ang dadalo sa virtual session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes upang ibahagi ang kanilang karanasan sa two-week quadrennial event.

Bibisita sa public sports program sina Paralympians Ernie Gawilan, Gary Bejino, at Jerrold Mangliwan, kasama si coach Tony Ong.

Ang Tokyo Paralympics ay ginanap mula Agosto 21 hanggang Setyembre 5.

Makakasama ng Filipino Paralympians sa  unang bahagi ng session na magsisimula sa alas-10 ng umaga sina  Junior Asian Karting Open Championship winner Bianca Bustamante at manager Daryl O’ Young upang talakayin ang kanilang nalalapit na kampanya sa Pro Formula Racing na gaganapin sa France sa susunod na buwan.

Itinataguyod ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), ang weekly program ay naka-livestream via PSA Facebook page  fb.com/PhilippineSportswritersAssociation  at opisyal ding isini-share ng  Radyo Pilipinas 2 Facebook page.

106 thoughts on “FIL-CANADIAN FERNANDEZ SA US OPEN Q’FINALS”

  1. Long-Term Effects. drug information and news for professionals and consumers.
    https://nexium.top/# can i order nexium without prescription
    Get warning information here. Best and news about drug.

  2. Some are medicines that help people when doctors prescribe. Medscape Drugs & Diseases.
    https://mobic.store/# can you buy generic mobic price
    What side effects can this medication cause? All trends of medicament.

  3. Everything what you want to know about pills. Read information now.
    viagra in kuwait
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

Comments are closed.