FINAL 4 ASAM NG ST. CLARE, TIP

St.Clare

Mga laro ngayon:

(Paco Arena, Manila)

1:30 p.m. – BRT Sumisip Basilan-St. Clare* vs Hyperwash

3:30 p.m. – TIP* vs Black Mamba

*twice-to-beat advantage

SISIKAPIN ng BRT Sumisip Basilan-St. Clare at Technological Institute of the Philippines na makumpleto ang semifinal cast sa pagpapatuloy ng 2019 PBA D-League Foundation Cup quarterfinals ngayon sa Paco Arena sa Manila.

Ang Group B top-seed Saints (6-0)  ay armado ng win-once incentive sa playoffs at siguradong hindi sila papayag na mauwi sa wala ang bonus na ito laban sa fourth-ranked Vipers sa kanilang sagupaan sa ala-1:30 ng hapon.

Sa unang paghaharap ng dalawang koponan noong nakaraang Agosto 1 ay tinambakan ng BRT Sumisip-St. Clare ang Hyperwash ng 57 points, 129-72.

Sa kabila na angat sa laban, nagbabala si Saints coach Stevenson Tiu na ang playoffs ay ibang kuwento.

“Pagdating sa quarters and semifinals, si­yempre it will be a different story,” anang veteran mentor. “Lahat ng tambak namin, hindi naman make-carry over, so we have to start from scratch again.”

Sa ikalawang laro sa alas-3:30 ng hapon ay target ng Engineers ang kanilang kauna-unahang semis stint laban sa Energy Drink.

May bentahe ang Engineers kontra Energy Drink dahil tinalo nila ito sa kanilang unang paghaharap noong Agosto 15, 110-99.

Comments are closed.