‘FINAL 4’ CAST SA NCAA KUMPLETO NA

Mga laro ngayon:
(San Andres Sports Complex)
8:30 a.m. – Perpetual vs Mapua (Men)
12 noon – Perpetual vs Mapua (Women)
2 p.m. – Benilde vs JRU (Women)
4:30 p.m. – Benilde vs JRU (Men)

WALA nang nakataya kundi pride, naitakas ng Letran ang stunning 21-25, 25-16, 21-25, 25-20, 15-10 reversal sa Arellano University, at sinibak ang four-time NCAA women’s volleyball champions sa Final Four race kahapon sa San Andres Sports Complex.

Sa kanyang final game ay ibinuhos ni Cha Cuñada ang lahat para sa Lady Knights na tinapos ang season na may 5-4 record.

Nakalikom si Cuñada, nagbida sa beach volleyball championship ng Letran na tumapos sa 20-year drought noong nakaraang January, ng 15 points, kabilang ang 3 service aces, 21 digs at 8 receptions.

Gumawa rin sina rookie Judiel Nitura at Lea Tapang ng 15 points habang nagtala si setter Natalie Estreller ng 3 blocks at 3 service aces upang tumapos na may 9 points at gumawa ng 19 excellent sets para sa Lady Knights.

Nakakolekta si ibero Lara Mae Silva, nakipagtambalan kay Cuñada para sa beach volleyball crown, ng 20 digs at 17 receptions.

Ang panalo ng Letran ay nagbigay sa Intramuros neighbors Mapua (6-2) at Lyceum of the Philippines University (6-3) ng libreng tiket sa Final Four.

Pasok na rin sa susunod na round ang defending champion College of Saint Benilde (8-0) at University of Perpetual Help System Dalta (7-1).

Nalasap ng Lady Chiefs ang ika-4 na kabiguan sa walong laro upang putulin ang walong sunod na Final Four appearances na nagsimula noong 2012.

Samantala, nagtala sina KJ Dionisio at Kath Santos ng pinagsamang 30 points para sa San Sebastian na tinalo ang kanilang season na may tatlong sunod na panalo, tampok ang 25-18, 25-21, 25-20 panalo kontra also-ran San Beda.

Kumamada si libero Jewelle Bermillo ng 16 digs at 11 receptions, habang nagpakawala si playmaker Vea Sison ng 3 service aces at gumawa ng 16 excellent sets sa kanilang huling collegiate game para sa Lady Stags.

Umiskor sina Padillon at Laika Tudlasan ng tig- 15 points habang kumubra sina Trina Abay at Robbie Matawaran ng tig-10 points para sa Lady Chiefs.

Nagposte si Trisha Paras ng 8 points, kabilang ang 2 blocks para sa Lady Red Spikers, na tinapos ang kanilang kampanya na may 1-8 kartada.