‘FINAL 4’ DADAGITIN NG FALCONS

Standings W L
*UP 11 3
*Ateneo 10 3
*NU 9 5
AdU 7 6
DLSU 6 7
UE 5 9
FEU 5 9
UST 1 12
*Final Four

Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
9 a.m. – NU vs Ateneo (Women Semis)
11 a.m. – DLSU vs UST (Women Semis)
2 p.m. – DLSU vs UST (Men)
4 p.m. – AdU vs Ateneo (Men)

TARGET ng Adamson ang nalalabing Final Four berth sa kanilang huling UAAP men’s basketball elimination round game kontra Ateneo ngayon sa Araneta Coliseum.

“All we have to focus on really is the game tomorrow (today). We can’t think about anything outside of Ateneo. We welcomed what coach Tab said that they are gonna play to win tomorrow,” sabi ni Racela sa isang television interview sa bisperas ng 4 p.m. match.

“And that’s we want for them to come in there giving their best against us. We know by that doing so it would really help us also in our development as a team,” dagdag pa niya.

“We will try our best tomorrow. Hopefully we can sustain the run that we have been putting.”

Sumasakay sa momentum ng three-game winning streak, tangan ng Adamson ang 7-6 record, isang laro ang angat sa La Salle, na haharapin ang kulelat na University of Santo Tomas sa 2 p.m. curtain raiser.

Ang panalo ng Green Archers kontra Growling Tigers na sasamahan ng pagkatalo ng Falcons sa Blue Eagles ay magpupuwersa sa playoff para sa No. 4 spot sa Linggo sa Mall of Asia Arena.

Ang panalo ng Adamson o ang UST victory ang kukumpleto sa semis cast.