‘FINAL FOUR’ (Creamline vs Cignal; PLDT vs Akari)

Mga laro ngayon:
(Philsports Arena)
4 p.m. – PLDT vs Akari
6 p.m. – Creamline vs Cignal

HAHARAPIN ng unbeaten Akari ang fourth-ranked PLDT, habang magsasalpukan ang No. 2 Cignal at No. 3 Creamline sa pares ng kapana-panabik na knockout semifinal matches sa Premier Volleyball League Reinforced Conference ngayong Huwebes sa Philsports Arena.

Sa mabilis na turnaround sa pagitan ng quarterfinals at ng
semis, ang paghahanda ng High Speed Hitters para sa Final Four ay nakasalalay sa kung paano magsisimula ang koponan sa 4 p.m. duel sa Chargers.

“We’re happy to reach the semis, but we only had one day to prepare. We have to be mentally ready,” sabi ni PLDT coach Rald Ricafort.

“It’s all about focus, patience, extra effort and the desire to win.”

Ang Akari, na mas mahaba ang pahinga sa pagitan ng quarters at semis, ay undefeated sa siyam na laro, ang pinakamagandang simula ng koponan magmula nang sumali sa liga noong 2022.

Subalit masasayang ang pinaghirapan ng Chargers kung hindi nila malulusutan ang High Speed Hitters na inaasahang maglalaro na walang pressure.

“There will always be a lot of pressure because it’s an all-or-nothing game,” sabi ni Akari’s star import Oly Okaro.

“Our record doesn’t mean anything because if we lose this game, that’s it. We just want to focus on what we need to do.”

Naghabol sa fourth set, ang Akari ay nag-regroup at sinibak ang Farm Fresh, 17-25, 25-18, 25-22, 25-23, sa quarterfinal.

Pinataob naman ng PLDT ang Chery Tiggo, 25-23, 27-25, 15-25, 25-18, 15-9, upang selyuhan ang kanilang ikatlong PVL semis appearance.

Galing sa emotional quarterfinal win kontra PetroGazz, naghari sa Reinforced Conference magmula noong 2019, ang kampanya ng Creamline para sa record ninth championship ay nanatiling buhay.

Ang Cool Smashers ay papasok sa Final Four duel sa HD Spikers bilang underdogs. Subalit napanatili ni coach Sherwin Meneses ang Creamline sa kontensiyon sa kabila ng pagkawala nina key players Tots Carlos, Jema Galanza at Alyssa Valdez.

“Every point needs to be worked hard and fought for,” sabi ni Meneses. “Our target is redemption after finishing third in the last import-laced conference in 2022. We’re taking it step by step.”