Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
3:30 p.m. – AdU vs UP (Men Semis)
TATLONG pamilyar na mukha at isang rising contender ang bumubuo sa UAAP men’s basketball Final Four na magsisimula ang aksiyon ngayong weekend.
Ang defending champion Ateneo, Adamson at Far Eastern University ay nagbabalik sa dati nilang kinalalagyan.
Ang bagong salta sa ‘Final Four’ na pumalit sa La Salle ay ang University of the Philippines, na hindi nakalusot sa elimination round sa unang pagkakataon magmula noong 1997.
Ang semifinals pairings ay tunay na nakaiintriga.
Sa ikatlong sunod na season, magkukrus ang landas ng Blue Eagles at Tamaraws sa Final Four, kung saan umaasa ang Morayta-based squad na mananaig na sila sa pagkakataong ito makaraang dalawang beses na mabigo sa kanilang Katipunan rivals.
Ang kapwa uhaw sa titulong Falcons at Fighting Maroons ay magsasagupa sa isa pang pares ng semifinalists, kung saan isa sa dalawang koponan na ito ay uusad sa championship round sa unang pagkakataon.
Tangan ang twice-to-beat advantages makaraang magtapos sa 1-2 sa eliminations, kailangan lamang ng Ateneo at Adamson na talunin ng isang beses ang kanilang lower-ranked opponents upang umabante sa best-of-three championship series sa Disyembre 1.
Subalit hindi basta-basta susuko ang FEU at UP upang maipuwersa ang ‘sudden death’ game sa Miyerkoles sa susunod na linggo.
Na-split ng Eagles at Tamaraws ang kanilang dalawang paghaharap ngayong season. Magaan na dinispatsa ng Ateneo ang FEU sa second round, kung saan maagang nawala sa FEU si Nigerian slotman Prince Orizu dahil sa ankle injury, na nagbigay-daan para makapagtala si Ivorian rookie Ange Kouame ng 33 points at 27 rebounds.
Sisikapin ni Arvin Tolentino at ng Tamaraws na makabawi ngayong taon, kung saan muntik na silang makapasok sa Finals noong nakaraang season. Tinalo sila ng Eagles sa overtime sa Final Four decider.
Tangan ang seven-game winning streak, umaasa ang Ateneo na muling madodominahan ang FEU.
Tinalo ng Falcons ang Maroons ng dalawang beses sa eliminations, sa pangunguna ni Sean Maganti.
Magsasagupa ang Falcons at Maroons bukas ng alas-3:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena, habang ang Eagles at Tamaraws ay magbabakbakan sa Linggo, alas- 3:30 din ng hapon sa Araneta Coliseum.
Comments are closed.