Mga laro ngayon:
(Smart Araneta Coliseum)
12 noon – FEU vs AdU (Women Step-ladder)
4 p.m. – UP vs UST (Men Step-ladder)
UMAASA ang University of the Philippines na mapakikinabangan ang kanilang pinaghirapang semifinals incentive sa pagharap sa University of Santo Tomas sa UAAP men’s basketball step-ladder phase ngayon sa Araneta Coliseum.
“The team doesn’t dwell on the fact that we have a twice-to-beat advantage. It’s a knockout game as far as we’re concerned,” wika ni Fighting Maroons coach Bo Perasol sa bisperas ng 4 p.m. match.
Ang magkamali ang iniiwasang mangyari ng UP, na may malaking pagkahilig sa pagwawagi sa close games sa buong season.
Ang panalo ng fourth-ranked Growling Tigers ay maghahatid sa No. 2 Maroons sa decider sa Miyerkoles sa Mall of Asia Arena.
Hinihintay na lamang ng defending two-time champion Ateneo ang mananalo sa UP-UST showdown sa best-of-three Finals series na magsisimula sa Nobyembre 16. Ang Blue Eagles ay nasa gitna ng mahabang 16-day break makaraang awtomatikong pumasok sa championship round via 14-0 elimination round sweep.
Dapat mag-ingat ang Maroons sa Tigers, lalo na sa katatagan na kanilang ipinakita sa krusyal na sandali.
Nalusutan ng UST ang late fightback ng Far Eastern University upang maitakas ang 81-71 panalo sa first step-ladder match noong nakaraang Miyerkoles.
“For me, I’ve always been optimistic dun sa approach ko sa mga player. You really have to be objective at walang sisihan. Lots of players are committing mistakes. Even us siguro kaming mga coach may mga mali rin kami but we stayed positive and we kept on playing,” sabi ni Ayo makaraang sibakin ang Tamaraws sa title race.
Si soon-to-be-crowned MVP Soulamane Chabi Yo ang magiging main man ng Tigers kung saan mapapalaban ang Benin native kay Nigerian Bright Akhuetie, na nakopo ang pinakamataas na individual honor noong nakaraang season.
Ang dalawang koponan ay kapwa may athletic players na magbibigay ng dagdag na excitement sa laro, kung saan makakasagupa nina Rhenz Abando, Mark Nonoy, Renzo Subido at Brent Paraiso ng UST ang equally talented UP crew, sa pangunguna nina Kobe Paras, Jun Manzo, at magkapatid na Juan at Javi Gomez de Liaño.
Comments are closed.