FINALS TARGET NI MARCIAL, PAALAM

MARCIAL, PAALAM

PUNTIRYA nina middleweight Eumir Marcial at flyweight Carlo Paalam, kapwa nakasisiguro na ng bronze, na umusad sa gold medal round sa pagpapatuloy ng kanilang Olympic quests sa Kokugikan Arena ngayong Huwebes.

Ang dalawa ay isang panalo na lamang ang kailangan para sa silver feat at dalawa para sa pinakaaasam na gold, ngunit mabigat na laban ang naghihintay sa kanila sa ika-apat sa huling araw ng boxing action sa quadrennial meet.

Makakaharap ni Marcial si Ukrainian Oleksandr Khyzhniak, na tinalo ang Pinoy sa Strandja International sa Bulgaria noong 2019.

Mapapalaban naman si Paalam kay Japanese Ryomei Tanaka, at kailangan niyang maging agresibo at magpakawala ng convincing shots para maiwasan ang  hometown decision.

Unang sasalang si Paalam sa ala-1:30 ng happn (Philippine time) habang aakyat sa ruweda si Marcial sa alas-2:03 ng hapon.

“Talo si Eumir sa Strandja. Inayaw ko dahil na-injure si Eumir,” sabi ni coach Ronald Chavez.

Sa kanyang panig, sinabi ni coach Don Abnett na higit na malakas ngayon si Marcial. Ang ipinagmamalaki ng Zamboanga City a binansagang “Mr. Demolition Man” sa Tokyo makaraang maipanalo ang kanyang unang dalawang laban via stoppage.

Naitala naman ni Paalam ang isa sa pinakamalaking upsets sa Tokyo Games nang gapiin si Rio Games gold medalist Shakhobid-in Zoirov ng Uzbekistan sa quarterfinals.

“We are overjoyed with Carlo’s win over the Rio gold medalist. It was an upset that the coaching staff told me was imminent, but we were still concerned until Carlo came out smoking in the first round. He truly looked like a champion,” wika ni Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) president Ricky Vargas.

Malaki ang kumpiyansa ng boxing chief na masusungkit ni Paalam ang gold.

“I don’t know much about boxing technique and form but I can tell you Carlo’s a winner,” aniya.             CLYDE MARIANO

3 thoughts on “FINALS TARGET NI MARCIAL, PAALAM”

Comments are closed.