ISINUSULONG sa mga pampublikong paaralan ang financial educational program sa pamamagitan ng K-12 curriculum sa tulong ng BDO Foundation, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Education (DepEd).
Nag-issue ng Memo no. 32, Series of 2019 si DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones na nagsasaad ng dissemination of the financial literacy learning resources in all public schools nationwide.
Sa pamamagitan ng BDO Foundation katuwang ang BSP at DepEd, ang nasabing resource ay naglalaman ng ten sets ng educational videos, lesson plans at discussion guides na may topic gaya ng savings, budgeting at entrepreneurship. Ang pagpapalabas ng memo ay upang ma-formalize ang integration ng mga nasabing materials sa Kindergarten classes at mga subject gaya ng Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao at Mathematics para sa elementary students.
Ang learning resources para sa Kindergarten pupil ay naka-focus sa saving at value of money. Samantalang ang Araling Panlipunan material ay nagtuturo kung paano makapagtitipid at tamang paggastos sa pamamagitan ng pag-alam sa pangangailangan kaysa sa nais.
Ang Edukasyon sa Pagpapakatao lessons ay naglalaman ng kahalagahan ng hard work at resourcefulness sa pamamagitan ng pagkakaroon ng extra earning. Ang Math classes naman ay nagko-cover ng budgeting at financial planning.
Ang mga nasabing material ay available sa online learning portal ng DepEd. Madali rin itong maa-access ng teachers at trainers.
“The financial education videos, lesson plans and discussion guides developed by the foundation, BSP and DepEd encourage students to learn effective ways to manage their money early on in their lives,” ani Mario Deriquito, president of BDO Foundation, the corporate social responsibility arm of BDO. “With the support of our dear teachers—our partners in mentoring the youth—we hope to share lessons on money matters with young Filipinos to help them achieve financial independence when they grow older.”
Comments are closed.