HANDA na rin ang Presidential Yacht ng Philippine Navy na tumanggap ng mga COVID-19 patient.
Ito ay matapos na gawin na ring floating quaratine facility ang barkong ito kasunod ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin na rin ito para mapagaling ang COVID-19 patients.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson Lt Commander Maria Christina Roxas,
pinangunahan ng mga officers at enlisted personnel na sakay ng BRP ang Pangulo o ang ACS-25 ang transformation ng barko.
Aniya ang VIP compartments ng barko ay ginawa nilang medical ward at patients rooms na kayang mag-accomodate ng 28 pasyenteng may COVID-19.
Ang exclusive compartments ay mayroong temporary division kung saan tatlong metro ang layo ng bawat higaan.
Magkahiwalay naman ang access points ng mga patient sa mga medical staff ng barko.
Mananatili ring sakay ng barko ang mga crew nito habang ginagamit ito bilang floating quarantine facility. Sila ay binigyan na rin ng personal protective equipment para maiwasang mahawaan ng COVID-19. REA SARMIENTO