FOI HALL OF FAME NASUNGKIT NG DOLE

Labor Secretary Silvestre Bello III-a

NASUNGKIT nitong Miyerkules ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang hall of fame award sa tatlong magkakasunod na taon bilang Freedom of Information (FOI) champion.Nangako si Labor Secretary Silvestre Bello III na pangungunahan niya ang DOLE sa layunin nitong palakasin ang kakayanan ng mga Filipino sa pamamagitan ng pamamahagi ng impormasyon kasunod ng kanyang pagtanggap sa prestihiyosong parangal bilang FOI champion at Hall of Fame.

Ang parangal ay iginawad ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa 2020 FOI Awards na ginanap sa Philippine Information Agency (PIA) sa Quezon City.

“As the FOI Program entails openness across the government, the department guarantees to remain committed in making an informed and empowered citizenry,” ani Bello.

Ang FOI Award ay iginagawad sa ahensiya ng pamahalaan, indibidwal at organisasyon na nagtataguyod sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko. At iginagawad ang Hall of Fame Award sa ahensiya ng pamahalaan na nagwagi sa loob ng tatlong sunod-sunod na taon.

Ani Bello na nakasanayan na ng DOLE ng mga nakaraang taon na itaguyod ang pinakamataas na antas ng transparency at accountability na siyanghaligi ng mabuting pamamahala na itinataguyod ng ahesniya sa pamamagitan ng mga polisiya at programa.

“Even at the height of the pandemic and the prevalence of fake news, the Labor Department did its best in communicating the real employment situation and true condition of the Filipino workers and employers,” giit ni Bello.

“The challenges we face only drive us to be more committed for this cause,” dagdag pa nito.

Pinasalamatan ni Bello sina PCOO chief Secretary Martin Andanar at FOI Program Director Assistant Secretary Kristian Ablan at ang iba pang bumubuo sa FOI Team “para sa kanilang patuloy na dedikasyon at suporta sa DOLE sa pangangasiwa ng FOI Program.” PAUL ROLDAN

Comments are closed.