NAMAHAGI ng 5,000 food packs ang lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa mga solo parent at PWD kahapon.
Ang mga food pack ay nagmula sa mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pamamagitan ng kanilang programang Lingap sa Mamamayan.
“Muli po nating ipinaaabot ang ating taos-pusong pasasalamat sa ating mga kapatid sa Iglesia ni Cristo, sa pangunguna ni Ka Eduardo V. Manalo. Salamat po sa patuloy na pag-agapay at pagmamahal sa mga taga-Caloocan,” ayon kay Caloocan Mayor Oca Malapitan.
Kaugnay nito, mahigpit na ipinatutupad ang social distancing at iba pang health and safety protocols sa isinasagawang aktibidad.
Gayundin, nagsagawa ng medical mission ang Caloocan City sa Barangay 160 na naapektuhan ng Bagyong Rolly. EVELYN GARCIA/VICK TANES
Comments are closed.