MANILA, Philippines. June 20, 2022. – Ginagamit ng FoodAID Program ng Jollibee Group Foundation ang kadalubhasaan at network ng Jollibee Group upang makagawa at makapagpamahagi ng mga pagkain na may mababang halaga, masarap, masustansiya, at madaling ihain lalo pa sa panahon ng sakuna. Isa na rito ang specially formulated congee mix packs na ipinapamahagi ng JGF sa mga disaster-prone communities. Bawat isa sa mga congee packs na ito, na may shelf-life na anim na buwan, ay kayang makapagbigay ng masustansiyang pagkain sa 100 na tao.