INILAGAY ng Games and Amusements Board (GAB) sa blacklist ang Global FC makaraang mabigo ang football club na tugunan ang reklamo ng unpaid salaries sa mga player at empleyado nito.
Sa isang liham na may petsang September 7, nilagdaan ni GAB chairman Baham Mitra amg isang kautusan na naglalagay sa Global FC sa blackist at nagbabawal dito na mag-apply o mag-renew ng lisensiya. makipagtransaksiyon sa GAB, o kaya ay umaktong isang professional licensee.”
Ang Global FC ay inireklamo noong Agosto ng hindi pagpapasuweldo sa mga player nito. Noong Agosto 4, nag-isyu ang GAB ng show cause order sa koponan na nagbibigay rito ng 10 araw para magpaliwanag kung bakit hindi dapat kanselahin o suspendihin ang kanilang lisensiya.
Noong mga panahong iyon, ang GAB ay nakatanggap ng 15 reklamo mula sa Global FC players at isang reklamo mula sa therapist nito. Batay sa mga reklamo, ang Global FC ay may pagkakautang na mahigit sa P5.8 million na unpaid wages, kabilang ang P1.6 million kay defender Jerry Barbaso.
Sinuspinde ng Philippine Football Federation ang lisensiya ng Global FC, isa sa walong orihinall na koponan ng Philippines Football League, noong Setyembre 1.
“We are unhappy about what happened, and we are acting on the complaint of the players whose livelihood and careers have been affected,” sabi ni Mitra sa isang statement.
“I hope this serves as a deterrent and a lesson to others who may do the same,” aniya.
Binigyang-diin niya na mandato ng GAB na pangalagaan ang kapakanan ng professional athletes.
Comments are closed.