FOREIGN BF NI MAYMAY ENTRATA FAKE NEWS

NAGBABALA si Maymay Entrata sa YouTube ng umano’y foreigner boyfriend niya na tigilan ito dahil wala itong katotohanan, at kung hindi ay mapipilitan siyang magdemanda.

Ayon sa Kapamilya star, false information ito na makakasira sa kanya at sa ibang tao. Banta pa niya, kapag hindi binura ng uploader ang nasabing video ay baka umabot sila hanggang sa korte. Natakot naman ang uploader at binura ito.

Noong Valentine’s Day, na-post ang larawan ni Maymay kasama ang umano’y boyfriend nito na kinunan sa Canada, habang nagbabakasyon siya. May caption itong “Happy Birthday my Valentino.”

“Aaron” daw ang pangalan ng BF ni Maymay. KNM