NANANATILI ang kumpiyansa ng mga foreign investor sa ekonomiya ng Pilipinas.
Iniulat kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na tumaas ng 46.4 percent ang foreign direct investments (FDIs) ng bansa upang pumalo sa $573 million noong Pebrero.
Ito ay dahil sa 56.3 porsiyentong paglago sa investments sa debt instruments, o intercompany borrowings sa pagitan ng foreign direct investors at ng kanilang subsidiaries/affiliates sa Pilipinas, na nagkakahalaga ng $412 million.
Ang nalalabing $161 million FDIs para sa buwan ng Pebrero ay ang pinagsamang reinvestment of earnings at equity capital placements.
Ayon sa BSP, tumaas din ang net equity capital ng 55.4 percent sa $96 million.
Ang nasabing capital placements ay nagmula sa Hong Kong, United States, China, the Netherlands, at Japan at inilagak sa art, entertainment and recreation; real estate; manufacturing; construction; at electricity, gas, steam and air-conditioning supply activities.
Samantala, ang reinvestment of earnings ay umabot sa $65 million sa naturang buwan.
Sa unang dalawang buwan ng 2018, ang FDI net inflows ay tumaas ng 52.6 percent sa $1.5 billion.
“The sustained investment inflows in the first two months of 2018 reflect investor confidence in the country’s sound macroeconomic fundamentals and growth prospects,” pagbibigay-diin ng central bank. BIANCA CUARESMA
Comments are closed.