HANDA na ang mga foreign investor na maglagak ng puhunan sa Filipinas.
Sa ginaganap na ASEAN Summit sa Singapore, sinabi ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph de Mar Yap na may-roon nang binubuong delegasyon ang Singapore upang magtungo sa Filipinas para mapag-aaralan ang mga negosyong maaari nilang itayo sa bansa.
Ayon kay Yap, kumbinsido ang mga negosyanteng Singaporean na maglagak ng puhunan sa Filipinas dahil na rin sa nakikita nilang malakas na consumer market sa bansa, gayundin ang pagpalo ng growth domestic product (GDP) ng bansa sa anim na porsiyento.
Samantala, inihayag naman ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na kabilang din sa mga bansang nagnanais na maglagak ng puhunan sa bansa ay ang Indonesia at Malaysia.
EVELYN QUIROZ
Comments are closed.