INIHAYAG kahapon ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) na wala silang natatanggap na formal notice sa umano’y babala ng gobyerno ng Estados Unidos na mahina ang seguridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa pahayag ni Conie Bungag, tagapagsalita ng MIAA, inaalam pa nila kung totoo ang report dahil wala pa silang nakukuhang final assessment report ng US government.
Ayon naman kay MIAA General Manager Ed Monreal, wala pa silang natatanggap na official communication hinggil dito.
Kumalat sa social media ang isang report ng travel advisory sa paliparan sa Estados Unidos na inaabisuhan ang mga pasaherong patungo ng Filipinas dahil nalaman umano ng kalihim ng Homeland Security na walang epektibong aviation security measures sa NAIA.
Sinagot naman ito ni Monreal na tumatalima ang MIAA sa payo ng mga dayuhang nag-assess sa seguridad ng paliparan.
Inamin ni Monreal na kailangan pang pagbutihin ang airport equipment ng aviation security sa NAIA.
Ayon pa rito, tuloy-tuloy ang pagbili ng X-ray machines para sa seguridad ng mga paliparan sa bansa.
Tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) na prayoridad nila ang kaligtasan ng mga pasahero sa NAIA matapos ang umano’y pag-iisyu ng travel advisory ng US Department of Homeland Security.
“This is to assure the traveling public that the Philippine government, through the Department of Transportation (DOTr), Manila International Airport Authority (MIAA) and the Office for Transportation Security (OTS) are giving utmost priority and attention to the implementation of strict security measures at the Ninoy Aquino International Airport,” pahayag ng DOTr nitong Miyerkoles.
Comments are closed.