FRANCHISE NG ABS-CBN MALAPIT NANG IBALIK

POSITIBO si Lauren Dyogi, head ng Star Magic, na malapit nang maibalik ang franchise ng ABS-CBN.  Kasabay nito, nag-renew rin ng kontrata ang kanilang mga talents na sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Jake Cuenca, Shaina Magdayao, Sam Milby, Gerald Anderson, Jolina Magdangal, Erich Gonzales, Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

Ani Dyogi, kahit may mga talents silang lumi­pat sa ibang network dahil sa pagkawala ng kanilang franchise, marami pa rin namang mahuhusay at loyal na natira. Aniya, kapag naibalik na ang prangkisa ay ibabalik nila ang dati tulad ng taunang ABS-CBN Ball at All-Star Games sports fest, na nahinto noong 2020.

Dagdag pa niya, magbe-venture sila sa international arena. Nag-audition na umano ang iba nilang talents sa mga international productions. Isa umano si Gerald Anderson sa posibleng masalang internationally. KNM