FRANCHISE SA BULACAN AIRPORT LUSOT NA SA KAMARA

BULACAN AIRPORT-2

APRUBADO  na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7507 na layong bigyan ng franchise ang subsidiary ng San Miguel Corp. (SMC) para sa itatayong paliparan sa Bulacan.

Sa botong 218 Yes, 6 No at 2 Abstention ay nakapasa sa huling pagbasa ang panukala na nagbibigay sa San Miguel Aerocity Inc., ng prangkisa pa-ra magtayo, mag-develop, at mag-operate ng 2,500 hectares na New Manila International Airport at adjacent airport nito.

Sa ilalim ng panukala ay ililibre ang SMC sa pagbabayad ng direct at indirect taxes sa susunod na 10 taon.

I-e-exempt din ito sa pagbabayad ng income taxes, VAT, customs duties, business taxes, franchise taxes,  gayundin ang iba pang charges sa pag-tatayo at operation ng paliparan.

Nakasaad naman sa profit-sharing agreement ng inaprubahan franchise bill na ang sobra sa 12% ng Internal Rate of Return (IRR) na nalikom na in-come ng airport city ay ibibigay sa gobyerno.

Aabot  sa P735.6 billion  ang halaga ng construction at operation ng nasabing international airport.  CONDE BATAC

Comments are closed.