MAPIPILITAN na ang mining companies na kumuha ng prangkisa sa Kongreso matapos na makalusot sa House Committee on Legislative Franchise at Committee on Natural Resources ang House Bill 6259.
Inaamyendahan ng panukala ang Philippine Mining Act of 1995 na layong suriing mabuti ang mga minahan at payagan lamang na makapag-operate ang mga responsableng mining firm.
Sa oras na maging ganap na batas ang panukala, gagawing pre-requisite ang pagkuha ng legislative franchise ng mga private contractor sa Kongreso bago payagan ang mga ito na makapag-apply ng large-scale quarrying permit o exploration permit.
Bibigyan naman ng panahon ang mga existing contract holder na kumuha ng kanilang prangkisa sa Kongreso sa loob ng dalawang taon.
Mahigpit din na ipagbabawal ang anumang mining activity sa mga critical watershed.
Magbibigay rin ng fiscal at non-fiscal incentives para sa mga domestic mineral processing private contractors habang magpapataw ng 20% hanggang 60% export tax sa mga iluluwas na domestic raw ore upang mabigyan ng benepisyo ang mga lugar kung saan manggagaling ang mga mineral.
Obligado rin sa ilalim ng panukala ang mga contractor na i-rehabilitate ang mga mining area. CONDE BATAC
Comments are closed.