Dapat parangalan at kilalanin ang artistang si Francine Diaz dahil iba talaga siya sa mga batang artista sa kasalukuyan.
Considering na napakalaki ng kanyang kinikita at napaka-busy ng kanyang schedule, nagagawa pa rin niyang seryosong mag-aral sa kolehiyo. May foresight! Hindi nga naman permanent ang showbiz career, mabuti na ang may fallback.
Nagpapatayo siya ngayon ng sariling bahay at bumili na rin ng sariling sasakyan para hindi aksaya sa oras.
Dati-rati, pumapasok siya sa school ng walang baon. Ngayon, sa Seattle’s Best pa siya nagkakape. Nakasabay kasi namin siya minsan nang pumunta kami sa Ayala Mall. Very accommodating na bata at hindi maarte. Nagpa-picture pa sa mga fans na lumapit.
I’m sure, may mararating ang batang ito hindi lang sa movies, kundi sa future life.
Youth model talaga, at napagkumbaba pa. Maganda, pero shy at hindi mahilig sa borloloy. May plano sa buhay, at determinado sa kanyang ginagawa. Hindi sumusuko at kahit anong pagsubok, hinaharap ng head-on.
That means, may tiwala siya sa kanyang sarili. Alam niya ang kanyang ginagawa.
Looks like she’s growing stronger everyday — ikaw ba naman ang palagi na lang naba-bash kahit wala kang kasalanan!
Maybe, hindi Siya magiging kasing sikat ni Kathrine Bernardo, o ni Judy Ann Santos, but she has the makings of someone who would stay for long in the showbiz industry tulad ni Cherry Pie Picache at Eula Valdez.
Saludo kami sa’yo, Francine. Keep it up!