‘FRIDAYTREAT’ (Hotshots vs E-Painters; Bolts vs Aces)

MOA

Mga laro ngayon:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Meralco vs Alaska

7 p.m. – Magnolia vs Rain or Shine

SISIKAPIN ng defending champion Magnolia Hotshots na masikwat ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Rain or Shine sa Governors’ Cup ngayon sa Mall of Asia Arena.

Nakatakda ang ­duelo ng Hotshots at Elasto Painters sa tampok na laro sa alas-7 ng gabi matapos ang sagupaan ng Meralco at wala pang panalong Alaska sa alas-4:30 ng hapon.

Inaasahang magiging kapana-panabik ang bakbakan ng Magnolia at RoS dahil balanse ang kanilang lineup at ang resulta ay depende sa ipakikita ng kanilang mga import na sina Romeo Travis at Joel Wright.

Si Travis ay dati nang naglaro para sa Magnolia sa Commissioner’s Cup at ito ang magiging bentahe ng kababayan ni NBA superstar LeBron James sa Ohio laban kay Wright na bagong salta sa liga at nag-a-adjust pa sa local brand of play.

Bigo si Travis sa una niyang laro laban sa Me­ralco subalit bumawi ang kaliweteng balik-import at dinala ang Magnolia sa impresibong panalo kontra NorthPort, katuwang ang tatlong court generals na sina Andy Mark Barroca, Paul Lee at prized rookie Jio Jalalon.

Nakahandang uma­lalay sina Ian Sangalang, Justine Melton, Aldrech Ramos, Rome dela Rosa, Kyle Pascual at Filipino-American Robert Herndon.

Malaking suliranin ngayon ni RoS coach Caloy Garcia kung paano niya ma-  neutralize ang dati niyang ace gunner na si Paul Lee na ipinamigay sa Magnolia kaya lumakas ang opensa ng huli.

Isa pang dahilan ng paghina ng RoS ang pagkawala nina playmaker Filipino-American Maverick Ahanmisi at 6-6 center Raymond Almazan na napunta sa Meralco kapalit ang mga bagito at maasahang players.

Sa paglisan nina Almazan at Ahanmisi, sasandal si  coach Garcia kina James Yap, Ed Daquioag, Gabe Norwood, Jewel Ponferrada, Beau Belga, Norbert Torres, Mark  Borboran at dating NCAA stalwarts Jayvee Mocon at Rey Nambatac.

May 1-2 record ang Rain or Shine, kasama ang NorthPort at Phoenix.

Pinapaboran ang Meralco kontra Alaska na hanggang ngayon ay hindi pa nakatitikim ng panalo sa ilalim ni bagong coach Jeffrey Cariaso na pinalitan si Alex Compton. CLYDE MARIANO

Comments are closed.