TINATAYANG uubos ang gobyerno ng P1.5 bilyon para lamang sa gagawing upgrading ng mga electronic equipment ng Del Pilar Class Frigates.
Pahayag ito ng Department of National Defense kaugnay sa planong pagpapalakas sa kapabilidad ng mga barkong pandigma ng Philippine Navy.
Ayon kay DND Spokesman Arsenio Andolong, ang panukalang upgrade plan ng mga Del Pilar-class frigates ng Navy ay magpapalakas sa electronic capabilities ng barko na magpapalakas sa kakayahan nitong magpatrolya sa open seas at magsagawa ng inter-agency operations sa territorial waters ng Filipinas.
“The ‘Del Pilar Class Frigate Upgrade’ will enhance the ships’ management system, electronic support and sonar capability, ensuring top performance during maritime patrols, search-and-rescue, and other inter-agency operations in our territorial waters,” pahayag pa ni Andolong.
Nabatid na ang mga nasabing electronics upgrading ay ikakabit sa mga naunang Frigates ng Navy.
Habang ang mga bago at paparating pa lamang na mga frigate ay planong kabitan naman ng sopistikadong armas.
Ang mga naunang frigates na dating mga Hamilton Cutters ng US Coast Guard ay ang BRP Gregorio Del Pilar (FF-15), BRP Ramon Alcaraz (FF-16) at BRP Andres Bonifacio (FF-17). VERLIN RUIZ
Comments are closed.