INIHALINTULAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga frontliner kay national hero, Dr. Jose Rizal, dahil sa patuloy na nagsisilbi sa bayan sa gitna ng pandemya.
Sa kanyang mensahe para sa ika-124th death anniversary ni Rizal kahapon, kinilala ni Duterte ang katapangan at kabayanihan nito gayundin ang mga Pinoy frontliners na patuloy na lumalaban sa hamon ng pandemya.
“His was a life that we continue to celebrate and emulate,” ayon kay Duterte at sinabing ang pagiging mapagmahal na anak, good student, dedicated physician, a passionate writer, at tagapagtanggol ng mga larapatan ng Filipino ang ang pambansang bayani.
“Rizal had great aspirations for his motherland and he used the power of the pen to convey sentiments against oppression and yearnings for emancipation. To the extent that it ignited a stronger sense of nationalism and a revolution, he was successful. He was our hero,” dagdag pa ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulong Duterte na ngayong pandemya ay maraming katulad ni Rizal at ang mga ito ay mga frontliner na matatapang at sumasagupa sa panganib para magsilbi.
“Today, we see many ‘Rizals’ fighting for our people, this time against an unseen adversary – pandemic,” ayon sa Pangulong Duterte.
Hinimok din ng Pangulo ang taumbayan na maging katulad ni Rizal na magpakabayani. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.