FRONTLINERS,SENIORS PRAYORIDAD SA BAKUNA

PRAYORIDAD ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na mabakunahan muna ang frontli­ners at senior citizens sa Marikina.

Ayon kay Teodoro , hindi pa siya interesadong mabakunahan laban sa COVID-19 dahil ang kanyang tinututukan sa ngayon ay ang mga frontliner at vulnerable sectors ng lungsod.

Matatandaan na nagpahayag ng kagustuhan na magboluntaryong magpabakuna noon si Teodoro pero hindi umano siya pinayagan ng Inter Agency Task Force at ng Department of Health (DOH) dahil uunahin muna umano ang frontliners at senior citizens.

Samantala,maging sina Mandaluyong City Mayor Carmelita “Mechie” Abalos ay wala pang schedule kung kailan babakunahan habang si San Juan City Ma­yor Francis Zamora ay nagsabing mag-iisyu na lang ito ng media advisory kung kaila siya magpapabakuna dahil hinihintay pa umano nito ang guidelines mula sa tanggapang ng DOH.

Wala namang tugon si Pasig City Mayor Vico Sotto kung kailan siya magpapabakuna laban sa COVID-19.

Gayunpaman, nitong Easter Sunday ay nabakunahan na si Manila Mayor Isko Moreno ng Sinovac.

Nauna nang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapabakuna sa mga Mayor na ang kanilang lungsod at bayan ay nasa high-risk ng COVID-19. ELMA MORALES

4 thoughts on “FRONTLINERS,SENIORS PRAYORIDAD SA BAKUNA”

  1. 164577 971147Hi, Neat post. Theres a dilemma together with your site in internet explorer, would test this IE still is the market leader and a big portion of individuals will miss your great writing because of this difficulty. 323283

Comments are closed.