FUDGY COFFEE BROWNIES

KAPE, marami sa atin ang hindi nabubuhay o nakukumpleto ang araw kapag hindi nakaiinom nito. Ang kape na yata ang pambansang inumin ngayon ng mga Pinoy. Marami ring itong flavours gaya ng latte, vanilla, espresso, black coffee, chocolate cream chip at mocha frappe.

Marami na ring mga lutuin na nilalagyan o may sangkap na kape. At isa nga riyan ang Fudgy Coffee Brownies. Isa nga naman ang brownies sa kinahihiligan ng kahit na sino, bukod nga naman sa masarap ay napakarami rin nitong flavors na maaaring pagpilian. Bukod pa riyan, puwede itong gawin sa bahay at maaari rin namang bilhin sa mga pastry shop.

nakapagpapagising nga naman ang kape. Kaya kung gusto mong magising at kumain ng pagkain o dessert na may halo o ingredient na kape, subukan na ang Fudgy Coffee Brownies.

sa paggawa nito, ang mga sangkap na kakailanganin natin ay ang 2 sticks ng butter, 5 ounces ng minatamis na tsololate, 2 kutsara ng instant espresso powder, 2 cups ng asukal, 2 kutsarita ng vanilla extract, 5 itlog, 5 cups ng all purpose flour , 1 kutsara ng cinnamon at 1/2 kutsarita ng asin.

Paraan ng paggawa:

Painitin ang oven sa 30 F. Ihanda na rin ang 13 x 9 inch na baking pan. kumuha ng isang may kalakihang lalagyan. Tunawin ang butter at tsokolate na may espresso powder sa isang lutuan. Hinaan lamang ang apoy para hindi masunog. Kapag natunaw na, tanggalin sa lutuan at palamigin.

Kapag lumamig ay isama na ang vanilla, asukal at itlog at haluing mabuti. Ilagay na rin ang flour, cinnamon, at asin. Kapag halong-halo na ang mixture, ilipat na ito sa baking pan saka i-bake. Para malaman kung luto na ito, kumuha lang ng toothpick at itusok sa brownies. Kapag wala nang dumikit na mixture sa toothpick, luto na ang iyong Fudgy Coffee Brownies at puwede na itong ihanda sa buong pamilya. (photos mula sa google) CS SALUD

 

 

 

Comments are closed.