Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – Blackwater vs TnT
7 p.m. – Meralco vs Alaska
NAGING mainit ang simula ni Calvin Abueva sa kanyang bagong koponan nang pataubin ng Phoenix ang Columbian, 113-107, sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sinimulan ng Fuel Masters ang conference na may 1-0 kartada habang nanatiling walang panalo ang Dyip sa kanilang unang dalawang laro.
Agad na nagpakitang-gilas si Abueva para sa Fuel Masters kung saan kumana siya ng clutch block kay Jerramy King, wala nang isang minute ang nalalabi, at naipasok ang krusyal na free throw matapos ang kanyang ikalawang offensive board upang bigyan ang koponan ng 110-107 kalamangan, may 24.5 segundo sa orasan.
Bumawi ang tropa ni head coach Louie Alas mula sa masamang third quarter kung saan na-outscore ng Columbian ang Fuel Masters, 37-28, upang makalapit sa limang puntos, 84-79, papasok sa fourth.
Sa kabutihang-palad, nanalasa si Abueva sa fourth quarter upang mapangalagaan ang kalamangan ng Phoenix.
“Defensively we don’t have that toughness because we gave up 37 points, not to discount Kia [Columbian],” ani Alas. “Good thing we had a huge game from Eugene [Phelps] and of course Calvin being Calvin that’s why we pushed for his trade because we need that extra energy.”
Tumapos si Phelps na may 50 points, ang kanyang ikatlong 50-point game sa isang conference opening game para sa kanyang koponan, at 17 re-bounds, habang tumipa si Abueva ng 12 points, 13 rebounds, 5 assists, at 3 blocks.
Iskor:
Phoenix (113) – Phelps 50, Abueva 12, Perkins 11, Intal 8, Jazul 7, Revilla 6, Wright 6, Chua 6, Mendoza 4, Gamboa 3, Eriobu 0.
Columbian (107) – King 27, Wright 25, McCarthy 19, Camson 12, Lastimosa 6, Escoto 3, Ababou 3, Tubid 3, Cahilig 3, Gabriel 2, Reyes 0, Cabrera 0, Celda 0, Sara 0.
QS: 31-17, 56-42, 84-79, 113-107
Comments are closed.