Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Magnolia vs NorthPort
6:45 p.m. – NLEX vs San Miguel
TINAMBAKAN ng Phoenix ang TNT KaTropa, 112-82, upang makabalik sa porma sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Hindi maawat ang Fuel Masters kapuwa sa opensa at depensa at pinatahimik ang Texters sa pamamagitan ng 26-0 run upang umabante sa 61-23 sa three-point shot ni RJ Jazul, may 2:33 ang nalalabi sa second quarter.
Sa nasabing run ay hindi nakaiskor ang TNT sa loob ng halos pitong minuto.
Sa panalo ay umakyat ang Fuel Masters sa 3-1 kartada upang makatabla ang NLEX sa ikaapat na puwesto, habang bumagsak ang Texters sa ika-7 na may 1-4 record.
Tumipa si Jason Perkins ng 22 points at nagdagdag si Matthew Wright ng 16.
Na-ourebound ng Fuel Masters ang Texters, 74-49.
Iskor:
Phoenix (112) – Perkins 22, Wright 16, Phelps 15, Jazul 13, Abueva 12, Eriobu 9, Chua 8, Revilla 6, Mendoza 6, Intal 3, Wilson 2, Gamboa 0.
TNT (82) – Tamsi 14, Davis 13, Cruz 12, Garcia 11, Carey 8, Semerad 7, Pogoy 7, Rosario 5, Reyes 3, Castro 2, Golla 0, Paredes 0, Williams 0, Saitanan 0.
QS: 29-17, 61-31, 85-56, 112-82.
Comments are closed.