Mga laro bukas:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m.- NorthPort vs Meralco
7 p.m. – San Miguel vs Phoenix
PINAGLARUAN ng Phoenix ang NLEX, 123-97, at binigyan si coach Louie Alas ng magandang regalo sa kanyang 55th birthday sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Cuneta Astrodome.
Mistulang pinagpraktisan ng Fuel Masters ang mabagal tumakbong Road Warriors at ipinoste ang lopsided win upang umangat sa 6-2 record at ipalasap sa NLEX ang ika-4 na kabiguan sa walong laro.
Dinomina ng Phoenix ang laro at hindi pinaporma ang NLEX na humina ang opensiba sa hindi paglalaro ni ace gunner Kiefer Ravena na sinuspinde ng FIBA.
“I didn’t expect we lead by big margin considering coach Yeng Guiao is a known motivator and certified achiever. My players really wanted to win and they deserve it,” sabi ni coach Louie Alas.
Nagpasabog si Eugene Phelps ng season-high 51 points sa 18 of 26 sa field at 3 of 5 sa rainbow territory, bukod sa 20 rebounds, 16 ay defensive, sa mahigit 38 minutong paglalaro.
Dinaig ni Phelps si Aaron Fuller sa kanilang match-up kung saan umiskor lamang ang NLEX import ng 38 points.
Nag-ambag sina Calvin Abueva ng 17 points at Filipino-Canadian Matthdew Wright ng 10 points para sa Fuel Masters. CLYDE MARIANO
Iskor:
Phoenix (123) – Phelps 51, Abueva 17, Wright 10, Perkins 9, Wilson 8, Intal 7, Revilla 5, Jazul 3, Guevarra 3, Mendoza 3, Eriobu 3, Chua 2, Gamboa 2, Alolino 0, Kramer 0.
NLEX (97) – Fuller 38, Galanza 13, Fonacier 10, Tiongson 6, Monfort 5, Ighalo 4, Quinahan 4, Marcelo 3, Baguio 3, Rios 3, Miranda 3, Tallo 3, Soyud 2, Paniamogan 0, Taulava 0.
QS: 34-18, 71-33, 94-67, 123-97.
Comments are closed.