FUEL MASTERS NASINGITAN NG E-PAINTERS SA OT

FUEL MASTERS-5

Mga laro

sa Miyerkoles:

(Mall of Asia Arena)

4:30 p.m. – Blackwater vs Alaska

7 p.m. – Magnolia vs Rain or Shine

IPINALASAP ng Rain or Shine sa Phoenix ang unang kabiguan sa pamamagitan ng 98-94 panalo sa overtime upang maagaw ang liderato na may 6-1 record sa PBA  Philippine Cup kagabi sa Araneta Coliseum.

Naging sandigan ng Elasto Painters sina Mark Anthony Borboran at Beau Belga upang maitakas ang panalo.

Umiskor si Borboran ng game-clinching two points sa harap ng depensa nina Calvin Abueva at Alex Mallari, habang itinanghal si Belga bilang ‘Best Player of the Game’ sa pagtipa ng 16 points, 5 rebounds at 7 assists.

Dikit ang laban at inangkin ng RoS ang panalo sa dying seconds ng overtime sa tira ni Borboran.

“Hindi bumigay at nakipagsabayan hanggang sa huli. I praised them for their gallantry and resiliency,” sabi ni Rain or Shine coach Caloy Garcia.

Tumawag ng timeout si Phoenix coach Louie Alas para ikasa ang final game plan subalit nag-backfire and huling tira at itinakas ng RoS ang panalo.

Disorganized ang laro ng Phoenix at maraming nagawang sablay at errors.

Lamang ang Painters sa 70-56 at tinapos ang third period na abante sa 70-61. Tinapyas ng Phoenix ang bentahe sa 65-70 subalit nagsanib-puwersa sina Norbert Torres at Maverick Ahanmisi sa 5-2 run para sa 75-67 kalamangan sa halfway mark ng last quarter.    CLYDE MARIANO

Iskor:

Rain or Shine (98) – Belga 16, Rosales 16, Ahanmisi 13, Almazan 12, Nambatac 10, Norwood 8, Torres 6, Borboran 5, Maiquez 4, Daquioag 4, Yap 2, Mocon 1, Ponferada 1.

Phoenix (94) – Perkins 27, Abueva 16, Wright 16, Mallari 12, Jazul 7, Kramer 6, Mendoza 5, Marcelo 3, Napoles 2, Dennison 0, Chua 0, Revilla 0.

QS: 24-20, 45-36, 70-61, 87-87, 98-94.

Comments are closed.