NA-OUTBALANCE si Jayvee Mocon ng Phoenix nang umatake laban kay John Grospe ng Terrafirma sa PBA On Tour kagabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig. Kuha ni RUDY ESPERAS
Mga laro bukas:
(Ynares Arens-Pasig)
5 p.m. – Phoenix vs Blackwater
7:30 p.m. – Rain or Shine vs Ginebra
NAG-INIT ang Phoenix Super LPG upang pataubin ang Terrafirma, 104-92, sa PBA On Tour kagabi sa Ynares Arena sa Pasig City.
Kumana si Reden Celda ng team-high 19 points, ngunit ang pares nina Chris Lalata at Jayjay Alejandro ang nagpanalo sa Fuel Masters makaraang halos lamunin sila ng mainit na paghahabol ng Dyip mula sa 24-point deficit.
Sa huli ay pinutol ng Phoenix ang three-game slide at umangat sa 3-3 record habang winakasan ang two-game roll ng Terrafirma at nahulog ito sa 3-4 sa preseason.
Tumapos si Lalata na may 15 points at 8 rebounds at tumulong sa pagpunan sa pagliban ni Raul Soyud, na nagpapagaling sa foot injury.
“Ibinigay lang sa akin ni Kuya Raul kung ano role niya, kailangan ko lang palitan,” Kung ano inaambag niya sa loob kailangan ko lang mag-doble effort. Ginaguide naman niya ako. Sinuklian ko lang ibinigay niyang tiwala,” wika ng 6-5 forward.
Ang Terrafirma, naglaro na wala sina top gunner Juami Tiongson, may sakit na si Isaac Go at Andreas Cahilig, ay pinangunahan ni Javi Gomez de Liano na may 23 points, 8 rebounds at 4 assists.
Muntik nang magtala si Eric Camson ng double-double na may 15 points at 9 rebounds habang tumapos din si Ed Daquioag na may 15 markers habang nakipagtuwang kina Gomez de Liano at Alolino (11 points, seven assists) sa paghahabol ng Dyip mula sa 24-point deficit.
-CLYDE MARIANO