Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – NLEX vs Meralco
7 p.m. – Ginebra vs Columbian
NAPATATAG ng Phoenix ang kapit sa liderato sa 4-0 kartada nang ilampaso ang Blackwater, 114-95, sa PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumana si Calvin Abueva ng 22 points, kasama ang unmolested dunk sa first quarter, 14 rebounds, 4 assists at 2 block shots, upang tanghaling ‘Best Player of the Game’.
Nag-ambag si Matthew Wright ng 28 points, 7 rebounds at 4 assists.
“Ginawa ko ang aking magagawa at masaya ako, hindi kami nabigo at napanatili namin ang clean record,” sabi ni Abueva.
Sa umpisa pa lang ay hindi na pinaporma ng Fuel Masters ang tropa ni coach Bong Ramos sa pagtarak ng 37-18 bentahe, at pinalobo pa sa 64-38 sa left side jumper ni Alex Mallari matapos ang turnover, at tinapos ng Phoenix ang halftime na abante sa 66-42.
Sa pagpasok ng third quarter ay bumanat si Wright ng limang sunod na puntos, kasama ang three-point play sa foul ni Allein Maliksi at isang completed perfect assist kay Mendoza para sa 73-46 bentahe, dalawang minuto ang nakalipas.
Hindi na binitiwan ng Phoenix ang trangko at ipinoste ang pinaka-lopsided win sa apat na laro upang manatiling tanging kopo-nan na wala pang talo, bukod sa reigning Governors’ Cup champion Magnolia at Alaska Aces na hindi pa naglalaro.
”They played solid and well-coordinated game. All of them stepped up and delivered. I’m happy for them,” sabi ni Phoenix coach Louie Alas. CLYDE MARIANO
Iskor:
Phoenix (114) – Abueva 22, Wright 19, Perkins 15, Chua 12, Mallari 12, Jazul 11, Mendoza 10, Intal 3, Kramer 3, Dennison 3, Revilla 2, Napoles 2, Marcelo 0, Guevarra 0, Gamboa 0.
Blackwater (95) – Tratter 24, Belo 13, Maliksi 12, Desiderio 12, Javier 8, Digregorio 5, Cortez 5, Palma 4, Dario 4, Banal 3, Su-mang 2, Eriobu 2, Sena 1, Jose 0, Alolino 0.
QS: 37-18, 66-42, 90-62, 114-95
Comments are closed.