FUEL MASTERS VS TEXTERS

FUEL MASTERS

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

4:30 p.m. – TnT vs Phoenix

7 p.m. – Ginebra vs Columbian

MATAPOS ang pinakamagandang simula sa ilalim ni coach Louie Alas ay nalasap ng Phoenix ang unang pagkatalo sa kanilang huling laro.

Nasa kanilang pinakamasamang simula naman ang Talk ‘N Text sa loob ng dalawang taon at kaila­ngan nilang bumangon.

Kung sino sa Fuel Masters at Texters ang makababalik sa trangko ay malalaman ngayon sa kanilang salpukan sa PBA Governors’ Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatakda ang bakbakan sa alas-4:30 ng hapon na susundan ng duelo ng Barangay Ginebra at Columbian.

Nalasap ng Phoenix ang 97-108 kabiguan sa Alaska nito lamang Miyerkoles upang maputol ang 2-0 simula.

Nakatuon ngayon si Alas sa pagma-manage sa playing minutes ng kanyang main players at kung paano nila masasawata ang TNT na mas nakapagpahinga.

“It will be tough,” wika ni Alas sa kanilang magiging laban kontra KaTropa.

“My starters played extremely hard last night… long minutes, especially Eugene (Phelps).”

Si Phelps ay naglaro sa loob ng halos 45 minuto laban sa Alaska kung saan nagbuhos siya ng game-highs na 27 points at 24 rebounds subalit nakagawa rin ng walong turnovers at nasupalpal ng apat na beses sa matinding depensa ng Aces.

Ganito rin ang inaasahan ni Alas mula sa TNT.

“We need to be smart about it tomorrow kasi alam naman nating up tempo ang TNT,” ani Alas.

“We need to contain their fastbreak/transition offense by minimizing our turnovers and not forcing shots.”

Comments are closed.