MAKAAASA ang mga motorista ng mababang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa lingguhang forecast ng Unioil Petroleum Philippines.
Sa kanilang price outlook para sa buwan ng Disyembre 10 hanggang Disyembre 16, sinabi ng Unioil na ang presyo kada litro ng diesel ay inaasahang bababa ng P0.05 hanggang P0.15. Samantala, ang presyo ng gasolina ay nakikitang matatapyasan ng P0.40 hanggang P0.50 kada litro.
Kalimitang nag-aanunsiyo ang mga kompanya ng langis ng fuel price adjustments tuwing Lunes ng bawat linggo na ipatutupad tuwing Martes.
Ayon sa datos ng Department of Energy, ipinakita ang presyo ng gasolina na nasa pagitan ng P45.45 at P56.54 kada litro at presyo ng diesel naman sa P38.20 hanggang P43.63 kada litro.
Ang year-to-date adjustments ay nanatili sa net increase ng P6.82 kada litro para sa gasolina at P3.81 kada litro para sa diesel.
Comments are closed.