FUEL TANKER NAHULOG SA TULAY, 2 PATAY

NUEVA VIZCAYA –PATAY ang driver at pahinante nito nang mahulog sa tulay ang minamanehong fuel tanker na kinalaunan ay sumiklab din alas-11 ng gabi nitong Setyembre 12 sa bayan ng Bagabag.

Ayon kay Police Major Romeo Barnachae Jr., hepe ng Bagabag Police Station, bukod sa mga nasawi, tatlong iba pa ang sugatan.

Wala pa ring pagkakakilanlan ang mga biktima dahil nasunog ang katawan nito at iba pang kagamitan.

Galing ang fuel tanker sa Manila at patungong Isabela nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver sa bukana ng tulay.

Dahil dito, bumangga sa railing ang truck at nahulog sa baba ng tulay na may 10 metro ang lalim.

Lima ang sakay ng fuel tanker at ang tatlong nasugatan na nagtamo ng sunog sa katawan ay isinugod sa isang ospital sa Solano, Nueva Vizcaya.

Sila ay sina Edwin Pacleba, 52 at Jayson Pacleba, 18, kapwa residente ng Palattao, Naguilian, Isabela at Eric Peralta, 34 at residente ng Ramon, Isabela.

Nadamay ding nasunog ang ilang tricycle, elf at ilang equipment na ginagamit sa construction.

Agad namang tumugon ang mga bumbero ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Bagabag at mga karatig na bayan para apulain ang sunog na dulot ng pagsabog ng fuel tanker.

110 thoughts on “FUEL TANKER NAHULOG SA TULAY, 2 PATAY”

  1. 721675 213500A persons Are generally Weight loss is certainly a practical and flexible an eating program method manufactured for people who suffer that want to weight loss and therefore ultimately conserve a much a lot more culture. weight loss 689144

  2. 417932 13977Hi, Neat post. Theres a difficulty along with your site in internet explorer, would test this IE still is the market leader and a big portion of men and women will miss your wonderful writing because of this difficulty. 161062

  3. 28461 981896Superb weblog here! Also your site loads up extremely quick! What host are you using? Can I get your affiliate link to your host? I wish my internet site loaded up as quick as yours lol xrumer 356664

Comments are closed.