FULL OPS NG SALON INIHIRIT

Rep Niña Taduran-2

HUMINGIng tulong kay ACT CIE party-list Rep. Niña Taduran ang mga may-ari  ng salon at mga empleyado nito para pakiusapan ang Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na payagan silang magsagawa ng full operation sa kabila ng general community quarantine.

Napag-alaman ng House Asst. Majority Floorleader na mas nalulugi at nawawalan ng kliyente ang mga salon at barber shop dahil limitado lang sa panggugupit ang kanilang serbisyo. Ang karamihan din sa kanilang parokyano na senior citizens ay hindi pinapayagang makapunta sa kanilang shop.

“I know that the government, particularly the Health Department, is just concerned that staying in public places for long hours is a great risk for COVID-19 exposure. But if proper disinfection, wearing of personal protective equipment and social disSinabi ng mambabatas na mas malaki pa ang panganib kapag ang mga salon worker ay nagsasagawa na lang ng home service sa kanilang mga kliyente na hindi pinapayagang makapunta sa kanilang salon o nangangailangan ng dagdag na serbisyo tulad ng pagkulay ng buhok.

“Dumidiskarte na lang ang mga empleyado ng salon na walang kinikita. Nagho-home service sila para magkulay ng buhok at mag-manicure at pedicure. Hindi ba mas delikado ‘yun kaysa pumunta ang kliyente sa kanilang salon?” ang tanong ni Taduran.

Mahigit sa kalahating  milyong may-ari at empleyado ng salon ang apektado, aniya,  ng paghihigpit sa community quarantine. ROMMEL BUTUYAN

Comments are closed.