MAAARING asahan ang full recovery ng ekonomiya ng Filipinas sa 2022, ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno.
Sinabi ni Diokno na ang paglago ng ekonomiya sa third quarter ng 2020 ay inaasahang mas masigla kaysa -16.5 percent sa second quarter, at ang 2021 ang magiging recovery year.
“We expect the economy to bounce back by maybe between 6.5-7.5 percent (in 2021) but that means we have not fully recovered. Full recovery will take place in 2022,” sabi ni Diokno sa isang virtual briefing.
Sa pagtaya ng mga economic manager ay magkakaroon ng 5.5-percent contraction para sa domestic economy ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Bago ang pandemya, ang domestic economy ay nagtala ng mahigit sa 6 porsiyentong paglago.
Base sa anunsiyo ng inter-agency Development Budget Coordination Committee (DBCC) noong nakaraang December, ang GDP ay tinatayang bibilis sa 6.5 hanggang 7.5 percent sa 2020-2022.
Sa meeting noong nakaraang May 12, ang mga numero ay binago sa -3.4 hanggang -2 percent para sa 2020, 7.1 hanggang 8.1 percent para sa 2021, at 7 hanggang 8 percent para sa 2022.
Gayunman, sa meeting noong nakaraang May 27, binago ng economic managers ang 2021 at 2022 growth projections sa 8 hanggang 9 percent at 6 hanggang 7 percent, ayon sa pagkakasunod.
Muling nagkaroon ng pagbabago noong nakaraang July 28, kung saan ang 2020 growth projection ay nasa pagitan ng 4.5 at 6.6 percent, at ang 2021 hanggang 2022 figures mula 6.5 hanggang 7.5 percent. PNA
Comments are closed.