Ipinakikita ng Fullbright College athletes, sa pangunguna ni quadruple gold medalist Glyzzel Ann Monsanto, sng kanilang mga medalya sa pagtatapos ng ROTC Games Luzon leg athletic competitions sa Cavite State University track oval kahapon. PSC PHOTO
INDANG, Cavite – Nakumpleto ng Fullbright College, sa pangunguna ni Glyzzel Ann Monsanto, ang golden sweep sa athletic events nang pagharian ang women’s 4×400-meter relays sa Air Force women’s division ng ROTC Games Luzon eliminations sa Cavite State University track oval dito kahapon.
Muling pinamunuan ni Monsanto ang atake ng Fullbright, kung saan iginiya nito ang koponan na kinabibilangan nina Kianah Bonbon Jean Claire Agawin at Hannah Trishia Viloria sa runaway triumph sa loob ng limang minuto at 31.0 segundo sa i meet na magkatuwang na inorganisa ng Department of National Defense at ng Committee on Higher Education.
Nakamit din ni Monsanto ang golden quadruple, mula sa kanyang mga panalo sa women’s 100 at 200-meter runs at 4×100-meter relay, upang tanghaling most bemedaled athlete sa Games na suportado ng Philippine Sports Commission at ng tanggapan ni Sen. Francis Tolentino.
Impresibo rin si John Andre Ponce ng University of Cagayan Valley nang pangunahan ang kanyang koponan sa panalo sa Navy men’s division ng 4×400-meter relays sa 3:59.80.
Kasama ang kanyang mga panalo sa men’s 100 at 200 meters at ang runner-up finish ng koponan sa men’s 4×100-meter relays, sinPonce ay top medalist sa Navy men’s division ng Luzon qualifiers.
“Katulad ng sinabi ko nun, hindi ko po talaga ini-expect na manalo dito kasi hindi naman masyadong focused sa sports ang aming school. Kaya maasayang-masaya kami sa mga medalyang nakuha namin dito the Luzon ROTC Games,” sabi ni Monsanto patungkol sa hindi inaasahang produktibong kampanya ng eskuwelahan.
“Sobrang taas na level na competition para sa amin ito,” dagdag ng atleta na sumabak sa women’s long jump at triple jump ng 2018 at 2019 Palarong Pambansa na idinaos sa Vigan, Ilocos Sur at Davao City, ayon sa pagkakasunod.
Pinasalamatan niya si teacher-coach Socorro Dasilio, isang Palaro veteran, sa pagsasanay sa kanila sa kabila ng limitadong oras para sa kumpetisyon na nagresulta sa kanilang tagumpay.
“Masaya kasi matagal na panahon din bago nakabalik sa athletic kahit walang training na maayos,” sabi ni Viloria, na nakakolekta ng dalawang golds at isang silver.
Sa kickboxing preliminaries sa Tagaytay Combat Sports Center, nagtala si Army cadet Krys John Dumangeng ng Kalinga State University ng third-round technical knockout win kontra Don Mariano Marco State University’s Ian Espiritu Ledrhon sa men’s 63.5-kilogram division.
Naitala naman ni hometown bet Maria Bantaya ang 3-0 panalo laban kay University of Batangas-Lipa Queen Dhylan Ortega sa 52kg class sa women’s Army clash.
Sinawing-palad naman ang teammate ni Bantaya na si Nicolas Rendon nang malasap ang second-round loss kay Novel Lozano ng PLT College sa second round ng kanilang sagupaan sa 57kg clash sa men’s Army division.
University of Baguio’s Christopher John Manipon also had an abbreviated victory after the referee stopped the contest early in the match against John Paul College’s Sandy Galario, who took a blow to the head in their 57kg encounter.
-CLYDE MARIANO