G4 VIRUS BANTAY SARADO

G4 VIRUS

MAHIGPIT na binabantayan ng Filipinas ang bagong uri ng swine flu mula sa China na pinangangambahan ng mga researcher na maaaring magdulot ng panibagong pandemya, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ang bagong  swine flu na pinangalanang G4 ay nagmula sa H1N1 strain na naging sanhi ng pandemya noong 2009.

“It possesses all the essential hallmarks of being highly adapted to infect humans,” wika ng mga siyentipiko sa Chinese universities at  China’s Center for Disease Control and Prevention.

Sinabi ni Ronnie Domingo, officer-in-charge ng Bureau of Animal Industry, na isang Philippine inter-agency committee on ­zoonoses ang magpupulong para sa paghahanda sa G4.

“The National Task Force on Animal-Borne Diseases (NTFAD) which is chaired by the Department of Agriculture (DA) Secretary shall make the final recommendations and report to the President,” ani Domingo.

“Itong influenza virus, kilala po ito sa pagiging balimbing. Nagbabago-bago po ang kanyang makeup, nagmu-mutate po siya kaya binabantayan nila,” aniya.

“Baka po iyang nakita nila sa China e mag-mutate iyan, mabilis na siyang kumalat at magko-cause na siya ng sakit.”

Dagdag pa niya, ang viruses ay nagmu-mutate at kumakalat dahil sa climate change, human encroachment sa mountainous at secluded areas, at accelerated transportation sa pagitan ng mga bansa.

Binigyang-diin naman ni Domingo na matagal nang ipinagba­wal ng Filipinas ang baboy at manok mula China dahil sa mga kaso nito ng bird flu at foot and mouth disease.

“DA-BAI maintains our strict protocol on regulating animals and meat products coming from countries with notifiable diseases,” aniya.

“The public especially those engaged in animal farming are encouraged to report to the Department of Health any unusual sickness among farm workers,” dagdag pa niya.

GOBYERNO PINAAAKSIYON

Nanawagan ang isang ranking lady official ng Kamara sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan  na gumawa ng aksiyon hinggil sa bagong swine flu.

Ayon kay House Assistant Majority Floor Leader at ACT-CIS ­party-list  Rep. Niña Taduran, kabilang sa mga hakbang na maaaring gawin ng national government ay ang bawasan muna ang importasyon ng karne ng baboy at magsagawa ng istriktong quality control sa pinapapasok na karne, lalo na ang mula sa China.

Ayon kay Taduran, ang ­Filipinas ay halos ‘self-sufficient’ sa pangangailangan sa karneng baboy kung kaya hindi naman kalakihan ang dapat na maging importasyon nito.

“We have 94% self-sufficiency in pork meat. We don’t need to import more than we need. We must protect, not only the health of our people and the pigs but also the livelihood of our hog raisers by controlling importation,” sabi pa ng lady solon.

Bukod sa pagpasok ng imported swine meat, iminungkahi ni Taduran sa gobyerno na masusing bantayan ang mga local hog raiser, partikular ang inaalagaan nitong mga baboy para masigurong hindi madadapuan ng bagong swine flu na ito.

“We can not afford another pandemic, so immediate action should be done to avoid a new health problem. The government should protect our people and our livelihood,” pagbibigay-diin pa ng mambabatas.                       ROMER R. BUTUYAN

Comments are closed.