(GAB nanindigan) ‘NO LICENSE, NO PLAY’ SA VISMIN PLAYERS

Abraham Mitra

NANINDIGAN si Games and Amusements Board (GAB) Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra na sa kabila ng pagbibigay ng karapatan para sa ‘self-regulation’ sa mga league organizer ay mananatili ang pagpapatupad ng ‘no license, no play’ para sa mga player, gayundin ang ‘no sanction, no tournament’ para sa mga palaro.

Ayon kay Mitra, ang pagpapatupad sa mga regulasyon ay bahagi ng mga responsibilidad ng ahensiya upang masiguro ang kaayusan at maa-batan ang mga ilegal na gawain ng mga indibidwal at grupo para maisulong ang kanilang sariling interes.

“While we respect self-regulation sa mga liga, hindi naman namin papayagan na maghari ang mga kalokohan ng ilan para masira ang sports,” pahayag ni Mitra.

“Basta masunod ang mga regulasyon batay sa kapangyarihan ng GAB, wala tayong magiging problema,” sambit ng dating Palawan Gover-nor at Congressman.

Ibinigay na halimbawa ni Mitra ang ginawang pagtalima ng VisMin Super Cup sa kautusan ng GAB na isaayos ang programa at isumite ang profile ng lahat ng players at opisyal na kabilang sa mga koponan na lalaro sa Mindanao leg para mabawi ang suspensiyon na ipinataw rito.

“Base sa report ng ating field officer, naisumite naman ng VisMin ang lahat ng kailangang dokumento kaya nagbigay na kami ng temporary ‘go signal’ para masimulan na nila ang liga,” sabi ni Mitra.

Sa isyu ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL), nanatiling bukas ang tanggapan ng GAB para sa pakikipag-usap. Sa kasalu-kuyan, semi-pro pa rin ang antas ng liga.

Binalaan naman ni Mitra ang mga organizer ng e-sports competition na mananagot sa batas kung magpapatuloy ang kanilang pambabale-wala sa kapangyarihan ng GAB.

Kamakailan, sinabi ni Mitra na inisyuhan na ng GAB ang e-sports promoter Mineski and Pillar E-Digital Com-merce ng Mineski Events Team ng show cause order nitong Abril 20 dahil sa pagsasagawa ng kompetisyon na walang permit at sanction ng GAB. EDWIN ROLLON

6 thoughts on “(GAB nanindigan) ‘NO LICENSE, NO PLAY’ SA VISMIN PLAYERS”

Comments are closed.