SI FILIPINO fighter Reymart Gaballo ang interim WBC bantamweight champion ngayon makaraang kunin ang split decision win laban kay Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico noong Sabado (Linggo sa Manila) sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.
Ang panalo ng Pinoy boxer ay naging kontrobersiyal dahil maraming observer ang naniniwalang si Rodriguez ang nanalo sa laban.
Dalawang judges ang nagbigay ng iskor na 115-113 at 116-112 pabor sa 24-anyos na taga-Cotabato del Sur. Tanging si David Sutherland ang nagbigay ng iskor pabor kay Rodriguez, 118-110.
Matapos ang laban, sinabi ni Gaballo na ang kanyang activity ang nagbigay sa kanya ng bentahe kontra Rodriguez.
“I’m always forward, and I controlled the fight,” anang Pinoy boxer na umangat sa 24-0 record na may 20 knockouts. Bumagsak naman si Rodriguez sa 19-2 na may12 knockouts.
“That was close, but for me, I’m so happy because I won the fight. God bless.”
Sa ulat ng Boxing Scene, ang rfight stats ay pumabor kay Rodriguez, na nagpakawala ng 372 suntok at nakatama ng 109, para sa 29% success rate, habang si Gaballo ay bumitaw ng 520 suntok at nakakonekta ng 93 lamang para sa 18% rate.
Binalewala naman ni Gaballo ang kontrobersiya at sa halip ay nagpasalamat sa ibinigay sa kanyang psgkakataon na lumaban para sa interim belt.
Si Gaballo ang pumalit kay Nonito Donaire makaraang magpositibo ang dating champion sa COVID-19 na kalaunan ay nagnegatibo rin.
Comments are closed.